UTC/GMT+8 - May 15, 2026 | 4:12 PM
Stay Up-to-date

SILAKBO 2026: Takbo at Padyak Para sa Mas Luntiang Kinabukasan

By: Trixie Mae B. Umali
May 13, 2026 | 1:27 PM (GMT+8)
SILAKBO 2026: Takbo at Padyak Para sa Mas Luntiang Kinabukasan

SILAKBO 2026: Takbo at Padyak Para sa Mas Luntiang Kinabukasan (Photo by: Monroe Cueto / CIO)

Umabot sa 2,812 indibidwal ang sabay-sabay na kumilos para sa kalikasan sa ginanap na SILAKBO 2026 noong Mayo 10, 2026 sa South Evozone, Nuvali bilang suporta sa pangangalaga at proteksyon ng Save Silang-Santa Rosa River. Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Save Silang-Santa Rosa River (S3R2) Foundation katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa at iba’t iba pang mga sektor ng komunidad.

Bukod sa mga indibidwal na kalahok, aktibong nakiisa rin ang iba’t ibang grupo, kumpanya, organisasyon, at pamahalaang lungsod upang ipakita ang kanilang suporta sa adbokasiya para sa kalikasan at pangangalaga sa Santa Rosa Sub-watershed.
SILAKBO 2026: Takbo at Padyak Para sa Mas Luntiang Kinabukasan
SILAKBO 2026: Takbo at Padyak Para sa Mas Luntiang Kinabukasan
Dumalo rin sina Mayor Arlene B. Arcillas at Vice Mayor Arnold B. Arcillas upang magpakita ng suporta at pakiisa.

Ayon kay Vice Mayor Arnold, patuloy na magiging kaagapay ng S3R2 at ng mga Rosense ang pamahalaang lungsod tungo sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas maunlad na Santa Rosa.

Layunin ng SILAKBO 2026 na mapalakas ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng environmental conservation, partikular sa pangangalaga sa Santa Rosa Sub-watershed. Layon din ng taunang gawain na hikayatin ang mas maraming mamamayan na makibahagi sa mga programang nagtataguyod ng mas malinis at mas ligtas na kapaligiran.

Samantala, ayon sa S3R2, bahagi ng malilikom na pondo mula sa aktibidad ay ilalaan sa iba’t ibang makabuluhang programa tulad ng tree planting activities, pagtatayo ng isang model public school na may rainwater harvesting system, at paglalagay ng trash traps sa kahabaan ng ilog. Ang mga proyektong ito ay hindi lamang simpleng programa kundi mga pangmatagalang pamumuhunan para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Sa patuloy na pagdami ng mga kalahok at sumusuporta sa SILAKBO, ipinapakita nito ang lumalawak na pagkakaisa ng lungsod sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng mga ilog at watershed sa Santa Rosa at mga karatig-lugar.
Share article:

Related Articles